GMA News Online
Public Affairs
»
Pinoy MD

Pinoy MD

Second anniversary special ng Pinoy MD ngayong Sabado:

September 7, 2012 9:46pm
Ngayong Sabado ng umaga sa tahanan ng doktor ng bayan, samahan si Connie Sison at ang kanyang liga ng kalusugan sa second anniversary special ng Pinoy MD ng GMA-7.
 
Likas sa mga Pinoy ang maging marespeto at mapag-aruga sa mga magulang lalo na kapag ang mga ito ay nagkaka-edad na. Tinatayang pito sa sampung retiradong Pilipino, inaalagaan ng isa sa kanilang mga anak. Pero dahil sa kakulangan sa pera at kaalaman, hindi maiwasang minsan may mga kaunting pagpapabayang nagaganap. Ano nga ba ang mga dapat gawin ng isang nag-aalaga sa kanyang senior citizen na magulang? Ano ang mga kagamitan at pasilidad na dapat nasa bahay? Iyan at ang mga pinakabagong teknolohiyang puwedeng gamitin para mas mapaginhawa ang araw-araw ng mga senior citizens ang tatalakayin.
 
Samantala, 20 taon nang misteryo para kay Mang Tasyo ang kanyang sakit.  Nagsimula raw ito sa isang kagat ng insekto sa kanyang mukha hanggang sa unti-unti na raw itong lumaki. Ngayon, halos kinain na ng kanyang sugat ang kanyang ilong at bahagi ng kanyang pisngi. Ano nga ba ang dalawang dekada nang nagpapahirap sa dating karpintero? Abangan ang findings ngayong Sabado.
 
At para naman sa mga kababaihan, kapag daw lumagpas na sa edad na 35 ang isang babae at nagbuntis siya, mas marami daw komplikasyon ang maaaring mangyari sa kanya at sa kanyang magiging anak. Ang ina, mas mataas daw ang posibilidad na magkaroon ng diabetes at altapresyon samantalang si baby naman, maaari naman magkaroon ng sari-saring inborn conditions. Kaya bilang bahagi ng paglilingkod ng Pinoy MD, isang obstetrics o OB mission ang handog ng programa para sa mga nangangailangang buntis—kasama na ang gamot, ultrasound at konsultasyon sa mga Pinoy MD doctors sa pangunguna ng resident OB Gynecologist ng programa, si Dr. Raul Quillamor.
 
Tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugang praktikal at maaasahan sa nag-iisang tahanan ng mga doktor ng bayan, ang Pinoy MD tuwing Sabado ng umaga, 6am sa GMA. (30)
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus