ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Zsa Zsa Padilla, nakauwi na sa bansa mula sa matagumpay na operasyon sa US
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakauwi na sa bansa ang actress-singer na si Zsa Zsa Padilla matapos ang matagumpay na operasyon sa Amerika kung saan inalis ang bukol sa kanyang kidney. Sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Biyernes, sinabing dumating sa bansa mula sa Los Angeles si Zsa Zsa kasama ang kanyang anak na si Zia Quizon. Hindi na umano nagpaunlak ng panayam ang mag-ina. Pero sa hiwalay na panayam kay Karylle, anak din ni Zsa Zsa, sinabi nito na out of danger na ang kanyang ina. Bukod sa naalis na kasi ang bukol, hindi rin ito cancerous. Ilang araw lang daw matapos ang operasyon ay aktibo na agad ang kanyang ina. -- FRJ, GMA News
Tags: zsazsapadilla
More Videos
Most Popular