GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

PHL Immigration naghigpit ilang araw bago ang anibersaryo ng 9/11attacks

September 8, 2012 2:34pm
Tatlong araw bago ang ika-11 anibersaryo ng 9/11 terror attacks sa Estados Unidos, isinailalim ang Bureau of Immigration sa heightened alert level laban sa posibleng "anniversary terror attacks."

Sa isang panayam sa radio dzBB ngayong Sabado, sinabi ni BI Commissioner Ricardo David Jr na inatasan na niya ang mga tauhan nila na lalong higpitan ang pagmamanman sa mga paliparan at daungan sa bansa.

Dagdag pa ni David, kailangan masusing tingnan ang mga profile ng mga taong pumapasok sa bansa, gayundin ang paniniguradong hindi makapapasok ang mga tinatawag na mga "undesirable" na mga bisita sa bansa.

Dapat manatiling "vigilant" ang mga opisyales ng Immigraton bureau sa pagbusisi ng profile ng mga biyaherong dumadating sa bansa.

Bukod sa BI, inasahan ding maghihigpit ng seguridad ang iba pang ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas.

Magkakasunod na pag-atake ang inilunsad noong Setyembre 11, 2011 sa iba't ibang bahagi ng Estados Unidos, kasama na ang pagsalpok ng dalawang eroplano sa World Trade Center na nagdulot ng pagguho nito. Umatake rin ang mga sinasabing terorista sa Pentagon.

Napilitang lalong maghigpit ang maraming bansa pagdating sa kani-kanilang international travel procedures dulot ng tinagurian nang "9/11 attacks." — LBG, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement