ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart at Bianca, handa nang harapin ang mga pagsubok sa ‘Luna Blanca’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagtatapos ng ikalawang yugto ng multi-generational drama na Luna Blanca, magsisimula naman sa susunod na linggo ang Book Three na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Bianca King. Sa ginanap na press conference noong September 4, ibinahagi nila ang kanilang nararamdaman sa pagbibigay-buhay kina Luna at Blanca na nasubaybayan ng mga manonood magmula pa sa Book One. “I think [the challenge] would be kung paano namin ipo-portray na nagkaroon ng strength yung character namin dahil sa lahat ng mga pinagdaanan mula noong bata pa sila," says Heart, who will play the fair-skinned Blanca. Dagdag pa niya, “May twist sa character ni Luna at ni Blanca. Dati kasi yung isa ate-atehan, yung isa parang sunud-sunuran sa isa—one is the protector of the other. Magkakaroon ng shift. ‘Yon ang pinag-aaralan ko ngayon…iyon lang siguro ang main challenge at yung puyatan, But other than that I am very excited, and I am sure [that] because napanood ko ‘yon [younger versions namin], it’ll just come, it’ll just happen." Pinakamalaking challenge naman para kay Bianca ang pagpapatuloy ng magaling na pagganap nina Jillian Ward at Bea Binene sa role ni Luna. “Ako naman, I feel like I have such big but small shoes to fill because stellar talaga ang performance ni Bea at especially ni Jillian, so that’s the biggest challenge, to rise above that pressure," sagot ng Kapuso star. Aside from watching the previous generations, nag-research din daw si Bianca. “Pinanood ko rin sila, but some of the research na ginawa ko naman…kasi pareho kami ng handler ni Jillian, nakakakuha rin ako ng first-hand information doon sa mga pinagdaanan niya. Si Bea naman, pareho kami ng manager, so nakakausap ko siya palagi sa workshops ng Artist Center, and then I text her every now and then, asking her questions. Kinukulit ko rin ‘yung staff, si Kit [Villanueva-Langit]," kwento niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres, who was last seen in the afternoon series Broken Vow, na siya ang napili para gumanap na adult Luna. “I’m just overwhelmed na of all the actresses in GMA ako yung napili para gumanap dito kasi ibang klaseng challenge siya. It’s not just in acting, but in the patience and the preparedness to attack a role na may maskara talaga ang buong katawan," Bianca explains. Hindi rin naiwasan ng press na tanungin si Heart kung natuwa ba siya ng malaman na siya ang maputi sa kambal. “Yes, I feel very happy. When I did Luna Mystica, I played two [characters]—ako si Luna, yung may prosthetics, and ako rin si Celestina. So nung nalaman ko na may Luna Blanca, tinanong ko ‘Ako yung maputi?’ [They answered] ‘Ikaw yung maputi.’ Sobrang relieved," nakangiting sagot niya. Sinuportahan naman ni Bianca ang sinabi ni Heart. “May karapatan naman si Heart na ma-relieve. Siya kasi pinagdaanan niya na ‘yon. Ever since ginawa ko yung Sinner or Saint, feeling ko paumpisa pa lang talaga ako. Parang seven years akong nag-workshop, tapos last year lang talaga ako nag-start sa aking career," ani Bianca. Pressured kaya sila na i-sustain or higitan ang mataas na ratings ng mga naunang yugto? “I am never the type that I will pressure myself na kailangan malakas [ang ratings]. We need to do what we love to do, so that’s what’s important," Heart said. Sumang-ayon naman dito si Bianca. “I was never one to be pressured by ratings. For me, mas may kaunting-kaunting challenge lang na pantayan ‘yung pagmamahal ng tao kina Jillian at Bea…Talagang napamahal na yung mga tao sa kanila. Andaming nagsasabi ng feedback about Jillian and Mona [na] sobrang galing nila, so sana mayroon ding matuwa sa amin," paliwanag ng aktres. “Nakakatuwa kasi nagkaroon na siya ng followers. Kumbaga na-stabilize na ‘yung viewers, na-hook na sila sa story. So ngayon na tumanda pa [sina Luna at Blanca], the plot thickens, lalo pa nilang aabangan. Sana hindi sila bumitiw sa panonood ng Luna Blanca, sana ma-sustain," dagdag naman ni Hearth. Abangan sina Heart at Bianca sa ikatlong yugto ng Luna Blanca simula ngayong Lunes, September 10 sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan/FRJ, GMANetwork.com