ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga matang lumuwa sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WISH KO LANG Mga Matang Lumuwa ni Ronnie Airing Date: September 8, 2012
Pitong taon lamang noon si Ronnie ng magsimulang maging kakaiba ang hitsura sa mga bata sa kanilang lugar. Unti unting lumuwa ang kanyang mata na tila lumalabas na ito mula sa kanyang mukha. Habang nagkaka edad, dinanas niyang pandirihan, katakutan at iwasan ng mga taong nakakasalubong niya. Sa mga panahong ganito, tanging ang kanyang mga magulang at ilang tunay na kaibigan ang kanyang nasasandalan. Sa ngayon, kahit tuluyang  tinakasan na siya  ng paningin, patuloy niyang ginagawang kapaki pakinabang ang sarili sa pamamagitan ng pangangalakal at pamimili ng mga bote. At lahat ng ito, iniaalay niya sa kanyang ama at ina na nais na niyang patigilin sa pagtatrabaho sa bukid. Tunghayan ang kuwento ni Ronnie ngayong Sabado ng gabi sa Wish Ko Lang, kasama si Vicky Morales, 6:30 PM sa GMA 7. Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter!