Usec. Puno, dapat ipaliwanag ang pagpunta sa condo ni Robredo, ayon kay Sen. Santiago
Nais ni Senador Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ng Senado ang pagpunta ni Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno sa condo unit ni dating Secretary Jesse Robredo, isang araw matapos bumagsak sa dagat ang sinasakyan nitong eroplano sa Masbate.
Sa ulat ng GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado, inihayag ng senadora na dapat talakayin din ang ginawang paghati ni Pangulong Benigno Aquino III sa kapangyarihan ng DILG.
Matatandaan na ipinagkatiwala ni Aquino kay Puno ang usapin ng peace and order sa bansa kung saan napailalim sa pamamahala ng undersecretary ang Philippine National Police.
Samantala, ipinaubaya naman ng pangulo sa pumanaw na si Robredo ang usapin ng local government.
Sa naglalabasang ulat, sinasabing bago namatay si Robredo ay nagsasagawa ito ng imbestigasyon tungkol sa mga kontrata ng PNP at Bureau of Jail Management and Penology. Kasama rin umano sa iniimbestigahan si Puno.
Napaulat din na isang araw matapos bumagsak ang eroplano ni Robredo, nagtungo umano ang grupo ni Puno sa tinutuluyang condo unit ng kalihim, at sa tanggapan nito sa National Police Commission.
Nananatiling tahimik naman si Puno tungkol sa naturang mga usapin.
Pero paliwanag ng deputy senior assistant ni Robredo na si Sr. Supt. Oliver Tanseco, kasama ni Puno na nagtungo sa condo at Napolcom office, nagpunta lang sila sa lugar para i-secure ang mga gamit ng nasawing kalihim.
Ito ay batay na rin umano sa direktiba ni Pangulong Aquino. Gayunman, wala pang direktang pahayag ang pangulo kung totoo na inatasan niya ang grupo ni Puno. (Panoorin: Tanseco, sinabing siya lang ang papasok sana sa condo ni Robredo, 'di kasama si Puno)
Kaugnay ng mga ulat na posibleng alisin sa DILG si Puno at ilipat lang puwesto, sinabi ni Santiago na dapat munang linisin ng opisyal ang kanyang pangalan sa naturang mga isyu.
“Ano ang itinatago niya? Sagutin niya ‘yan sa publiko dahil yun ang itinatanong ng lahat," ayon sa senadora. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement