GMA News Online Ulat Filipino

NDRRMC: Bata nalunod, isa pa nawawala sa matinding pag-ulan sa Davao

September 9, 2012 2:08pm

Tags: Davao City
Nalunod ang isang bata habang nawawala naman ang isa pa matapos silang tumawid sa isang sapa sa gitna ng matinding pag-uulan sa Davao City noong Biyernes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon din sa NDRRMC nitong Linggo, may dalawa pang ibang mga bata ang nakaligtas.

Natangpuan ang mga labi ni Fernando Caitom, 12, noong Sabado dakong 6:55 ng umaga. Kasalakuyan pang nawawala si Jomar Abequivel.

Nakaligtas naman sina Dennis Maños, 10, at Kevin Ambe, 13.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang naganap ang insidente noong Biyernes dakong 4:10 ng hapon habang tumatawid ang mga bata sa Bagahay Creek sa Barangay Baliok sa Toril District sa Davao City, ayon sa NDRRMC.

Pauwi na sana ang mga bata nang tumawid sila sa sapa at hindi na namalayan ang pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan.

Itinigil ang search operations noong Sabado dakong 4:50 ng gabi, dagdag pa ng NDRRMC. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News

Tags: Davao City



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus