Pakistani call agent, nahulihan ng shabu; 2 kasama nakatakas
Nahuli ang isang call center agent na Pakistani – isang naturalized Filipino citizen – habang nakatakas naman ang dalawa niyang kasama ng maaktuhan sila ng isang security guard na nagbabalot at gumagamit ng shabu sa loob ng isang pribadong palikuran sa Metrowalk sa Pasig City, madaling araw nitong Linggo.
Sa ulat ni Manny Vargas sa dzBB, sinabi ni PO3 James Barbaera ng Eastern Police District (EPD) na kasalukuyang nasa kustodiya na ng EPD Anti-Illegal Drugs Task Force ang nahuling suspek.
Hindi pa pinangalanan ng mga imbestigador ang nahuling suspek dahil sa isailalim pa umano ito sa “drug testing.”
Sa panayam naman ng dzBB kay Manny Ilacion, security guard sa lugar, sinabi niya na nag-report sa kanya ang dalawang janitor ng Metrowalk tungkol sa mga suspek na nasa loob ng isang palikuran.
“‘Yung dalawang janitor nag-report sa akin na may tatlong lalaki na nagsara ng pintuan sa CR (comfort room). Ngayon, pinuntahan ko at sa pagtulak ko ng pintuan, naaktuhan ko yung dalawa na gumagamit talaga ng shabu, tapos 'yung isa naman ay lookout,” sabi pa ng security guard.
“Ngayon nga dakmain ko sila... ang tatlo, kasi ako lang mag-isa, nagpulasan sila, Nagtakbuhan, kaya ang na-corner lang naming ay ito’ng isa, yung Pakistani,” dagdag pa ng security guard.
Samantala, nagsagawa na ang mga operatiba ng EPD ng follow-up operation para maaresto ang dalawang suspek na nakatakas. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement