ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinuno ng PNP, nagulat sa balitang siya ang 'ipapalit' kay Puno sa DILG


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ikinagulat ni Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome ang bali-balita na maaari umano siyang hirangin ni Pangulong Benigno Aquino III bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government, pampalit kay Usec. Rico E. Puno na ngayon ay naharap sa isang kontrobersiya. Tumangging magbigay ng karagdagan pahayag si Bartolome sapagkat mas binibigyan umano niya ng pansin ang paghahanda sa mga pulis para sa seguridad at kaayusan ng 2013 eleksyon, ayon kay Tuesday Niu ng dzBB nitong Linggo. Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa Visayas si Bartolome sa isang pagpupulong kasama ang police regional directors upang maihanda sila para sa darating na halalan. Dagdag niya, makikipagpulong siya sa regional directors upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa. Ayon kay Bartoleme, hindi pa niya nakakausap si Pangulong Aquino tungkol sa posisyon sa DILG, kaya pinili na lamang niyang huwag munang magbigay ng komento hangga't mapag-usapan nila ang tungkol dito. Sa hiwalay na ulat ng dzRB radio, kinokonsidera umano ni Aquino maagang retirement ni Bartolome. Nakatakdang magretiro si Bartolome sa darating na Marso 2013. Iginiit naman ni Aquino na hindi muna dapat husgahan si Puno, sapagkat siya ay "innocent until proven guilty." — Mandy Fernandez /LBG, GMA News