GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Ilang Kapuso stars, nakisaya sa World Heritage Cities Solidarity Day sa Vigan

September 10, 2012 10:57am
Kapuso stars join Repasso de Vigan parade
Kapuso stars join Repasso de Vigan parade. GMA Kapuso star Manilyn Reynes greets fans during the Repasso de Vigan parade celebrating the World Heritage Cities Solidarity Day in Vigan, Ilocos Sur on Saturday. Vigan is nominated to be one of UNESCO's world's top heritage sites. Danny Pata
Nakisaya ang ilang Kapuso stars sa katatapos na World Heritage Cities Solidarity Day na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur.
 
Tuwing Setyembre 8, idinadaos ng Vigan ang naturang selebrasyon kasama ang ilan pang mga lungsod sa buong mundo na mayroong World Heritage Sites.
 
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Unang Balita nitong Lunes, isa sa highlight ng pagdiriwang ang parada ng kultura na nagmistulang paglalakbay sa kasaysayan ng nasabing lugar.

 
Maliban dito, nasiyahan din ang mga Kapusong Ilokano sa libreng pagupit sa mga booth ng GMA Network.
 
Todo naman ang partisipasyon ng mga kabataan sa mga palarong Pinoy na itinampok sa naturang event.
 
Bago naman matapos ang gabi, dinagsa ng fans ang isang pagtatanghal na inihandog ng ilang Kapuso stars.
 
Kasamang nakisaya  sa nasabing pagdiriwang sina Ehra Madrigal, Manilyn Reynes, at ilang cast ng afternoon show na Faithfully. Mac Macapendeg/KG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus