GMA News Online
Public Affairs
»
Rescue

Rescue

Kaso ng hit-and-run sa 'Rescue'

September 10, 2012 1:37pm

RESCUE
Hit and Run
Airing Date: September 13, 2012


Isang lalaking nabangga ng jeep ang sugatan at walang malay sa may C5 service road cor 19th avenue sa Makati.  Ito ang tawag na natanggap ng Makati Rescue na agad nilang nirespondehan.
 
Inabutan nila ang biktima sa nakahandusay sa may gilid ng jeep at may tinamong malaking sugat sa ulo.  Ngunit hindi pala isang ordinaryong aksidente ang nangyari kundi isa palang kaso ng hit and run! Ang driver ng jeep nawalang parang bula , tumakbo at hindi na matagpuan!
 
Maisalba pa kaya ang buhay ng biktima?
 
Tunghayan din ang iba pang kaso ng Hit and Run na huli sa CCTV! Bakit nga ba patuloy ang ganitong mga insidente at paano makaiiwas sa peligro ang mga tumatawid sa daan?
 
Huwag palalampasin ang “Hit and Run” sa RESCUE kasama si Igan, Arnold Clavio. Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi!

Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Rescue on Facebook
Rescue on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement