GMA News Online
Public Affairs
»
Reporter's Notebook

Reporter's Notebook

'Baby Snatching' at 'Kitil' sa Reporter's Notebook

September 10, 2012 7:43pm
REPORTER'S NOTEBOOK
September 11, 2012

 
BABY SNATCHING
Ulat ni Jiggy Manicad

Sanggol na na-snatch sa kalsada, supermarket, restaurant o maging sa loob ng ospital. Nagiging kabaha-bahala ang insidente ng pagdukot sa mga sanggol na walang kamuwang-muwang. Sa tala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP, may naitalang tatlong sanggol na dinukot ngayong taon. Ano ang ginagawa ng mga otoridad sa krimeng ito?

KITIL
Ulat ni Maki Pulido

Sa isang bansang itinuring bilang isa sa pinakamasayahin sa buong mundo, isang malungkot na katotohanan ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay. Sa pag-aaral ng Asia Pacific Journal of Public Health, limang Pilipino ang nagtatangkang magpakamatay kada araw dahil sa matinding depresyon. Ngayong Suicide Prevention Awareness Month, susuriin kung ano ang mga programa para rito. May mga kongkretong hakbang ba ang pamahalaan para ito'y pigilan?
 
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus