GMA News Online
NewsTV
»
Investigative Documentaries

Investigative Documentaries

Mga pambihirang gov't officials, kikilalanin ng 'Investigative Documentaries'

September 11, 2012 10:12pm
May matino pa ba sa gobyerno? Ito ang madalas na tanong ng marami.
 
Nang mamatay si DILG Secretary Jesse Robredo, naging himutok sa social media ang pagpanaw ng isa sa kakaunti na lamang na mga mahuhusay at matitinong tao sa gobyerno. Iilan daw kasi ang servant-leader na tunay na nagsisilbi sa bayan tulad ni Robredo.
 


Madalas kasi, laman ng balita ang mga kuwento ng katiwalian, pandaraya, at pananamantala ng nasa iba't ibang sangay ng gobyerno, mababa o mataas man ang puwesto. 


 
Sa edisyong ito ng Investigative Documentaries, kilalanin natin ang ilan sa mga siguro naman ay marami pang indibidwal na tapat na nagsisilbi sa kapwa at sa bayan. Sila ang mga tahimik na lingkod bayan, na maipagmamalaki at pinarangalan dahil sa kanilang tapat na serbisyo. Patunay na may pag-asa pang tumahak sa tuwid na landas ang karamihan na nasa burukrasya. Kilalanin natin kung sino sila, saan sila makikita, at bakit sila kinilala at hinangaan.
 
Manood ng Investigative Documentaries kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel.11.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus