GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

DFA: Walang makapapasok na OFW sa Syria

September 12, 2012 7:48am
Mariing pinabulaanan ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na may mga Filipino pang nakapapasok sa bansang Syria sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa ulat ni Sam Nielsen sa DZBB, sinabi ni Del Rosario na tiwala sila sa pangako ng Syrian government na hindi nito papayagang makapapasok ang mga Pilipino at magkakaroon umano ng mahigpit na pagbabantay sa lahat ng maaring daanan ng mga magtatangkang papasok.

May kooperasyon naman anya ang gobyerno ng Pilipinas at ang mga awtoridad ng Syria upang mapanatili ang pagpatutupad ng "Alert Level 4" dahil sa kaguluhan sa Syria.

Ang Alert Level 4 ay nangangahulugan ng sapilitang paglilikas ng mga Pilipino sa ano mang bansang dumaranans ng kaguluhan.

Sinabi naman ni Del Rosiario na kung kailangan niyang bumalik sa Syria upang tiyakin na walang Filipino na nais na umuwi ang maiiwan doon ay gagawin niya ito. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus