GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute
»
Dolphy

Pamilya Quizon, excited sa tribute concert para kay Dolphy

September 12, 2012 12:32pm
Excited na ang mga anak ng namayapang komedyante na si Dolphy sa "Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy," ang tribute concert para sa kanilang ama na gaganapin ngayong Setyembre 19 sa SM Mall of Asia Arena.

"We'll be there and I hope we're able to do something good passing my Dad's legacy to everyone in helping others," pahayag ni Ronnie Quizon.

Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Miyerkules, mayroong partisipasyon sa nasabing concert ang tatlong major TV networks ng bansa.



Kabilang sa Kapuso stars na magtatanghal sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Vic Sotto, Jolina Magdangal, at Mark Herras.

Maliban dito, inimbitahan din ng anak ng comedy king na si Vandolph ang mga tao upang manood at makisaya sa naturang tribute concert para sa kanilang ama.

Ani Vandolph: "Samahan niyo kami sa isang napakagandang event na ito. At siguradong buhayin natin ang diwa ni The King Dolphy. So, magsama-sama tayo at tumawa."

Ang naturang tribute concert ay sa benepisyaryo ng Dolphy Aid para sa Pinoy Foundation, Hope in a Bottle, Philippine Red Cross, and iBank Foundation of the Philippines. Mac Macapendeg/KBK, GMA News



advertisement
advertisement
advertisement