GMA News Online
Public Affairs
»
Aha

Aha

Super AHA!

September 12, 2012 12:37pm
SUPER AHA !
Airing date: September 16, 2012
Sunday, 9:15 AM
 
Trip mo bang lumipad gaya ni Superman…
 
o ‘di kaya’y kumapit sa mga gusali ala Spiderman…
 
o maging kasinglakas kaya ni Captain Barbel?
 
May sikretong ibubunyag si AHA! guy Drew Arellano. Sa tulong ng siyensiya malalaman natin kung paano nga ba na ang ordinaryong tao ay nagiging SUPER HUMAN!
 
Mamamangha tayo sa makabaling-buto at makapigil-hiningang acrobatic stunts ng dayong African-American Acrobats.  Ano ang siyensiya sa likod ng mga di-kapanipaniwalang galaw nila?  Kayanin kaya ito ng powers ni Doorah d’ Lakwatsira?    ‘Di naman papatalo ang super Philippine Acrobats Troupe!  Ano ang katangiang meron sila upang magawa ang mga kinagigiliwang pagtawid sa alambre at unicycling sa lubid?  Mapapanganga ka rin sa mga taong kayang hilahin ang isang truck, at baluktutin ang makapal na bakal gamit lamang ang lakas ng mga kamay!
 
Siguradong titingalain ka naman ng mga tao habang lumulundag-lundag ka gamit ang Power Bock!  Ano ang meron sa jumping stilts na ito at iba pang devices para maging super ang dating mo? 
 
Super AHAStig…Super AHAmazing…Super sa AHA! Ngayong Linggo ng umaga na, sa GMA 7!
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus