GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

18-anyos na estudyante, kritikal matapos barilin sa Makati

September 13, 2012 2:19pm
Kritikal sa ngayon ang isang 18-anyos na estudyanteng lalaki matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang tao sa may P. Burgos Street, Guadalupe Nuevo, Makati City Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Rodil Vega sa dzBB, sinabi ni PO3 Rolando Belarhan ng Makati Ciy Police Office, na lulan ng isang tricycle ang biktima nang harangin siay ng isang lalaking naka-motorsiklo at biglang pinaputukan.

Agad umanong tumakas ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Bankay sa Cubao

Samantala, sa report ni Divine Reyes-Caraecle sa dzBB, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Cubao, Quezon City, madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa report, kinilala ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima na isang Rodolfo Hermo, alyas "Jun Baba," 29-anyos.

Ayon sa mga taga-roon sa lugar, wala silang narinig na putukan bago matagpuan ang biktima ng isang tricycle driver.

Sa paunang imbestigasyon, maaaring sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon na lamang doon sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay. — MM /LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus