We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Simple thoughts, gifts o feeling in-love? Ano nga ba ang mga nakakapagpakilig sa ating mga Kapuso star. Basahin, alamin at kiligin sa kanilang mga rebelasyon tungkol sa kanilang 'best kilig moments.' Kris Bernal: “Binigyan niya ako ng heart necklace noon (Aljur Abrenica) sa taping naming ng Maynila. Hindi na iyon kasama sa eksena pero binibigyan niya ako ng necklace. Tapos ang sabi ko, ano’ng nangyayari? Wala naman ito sa script ha? Tapos ayon, nakita gift niya pala sa akin. Lahat kakuntsaba niya sa set pati si Direk, tapos nasakto pa ‘yon sa commercial namin na mayroon din siyang ibinigay na necklace. Ganun din kaya parang nagtugma ‘yong aming feelings." Aljur Abrenica: “Siguro noong nag-18 ako, binigyan niya ako ng board na naka-frame. Tapos lahat mga pinagtrabahuhan namin, nandun ‘yong mga pictures. So si Kris, maarte ‘yan kaya puro kaartehan iyong nakalagay doon at may mga designs na Alkris. Very creative talaga siya. Iyong araw na ibinigay niya sa akin ‘yon, kilig moment para sa akin." Louise delos Reyes: “Natutulog ako noon, tapos biglang mayroong ‘Hello! Happy birthday!’ Alam mo ‘yong feeling na nagulat ka, tapos kinilig ka at lahat na ng feeling? Kapag tulog ka, may tendency na lumobo ‘yong mukha mo. Kaya ang nasabi ko noon ‘Shucks! Ang pangit ko!’ Pero nakakakilig siya dahil pinuntahan niya ako!" Alden Richards: “Iyong last girlfriend ko when I was in high school pa. Tapos iyong mga simpleng na ginagawa niya sa akin like holding my hands at pagdadala ng foods , iyong mga ganung simple things ‘pag mahal mo ‘yong isang tao really means a lot." Marian Rivera: “Kilig moment? Hindi ko makakalimutan ‘yong last last year na kasama ko si Papa at si Dong. Kaming tatlo together at first time na nangyari sa akin ‘yon noon, so iyon ‘yong talagang nakakakilig!" Rafael Rosell: “There was a time na sumasayaw ako sa stage noon, tapos hinalikan ko ‘yong girl sa neck. Kinilig talaga ako noon." Rocco Nacino: “When I was taping for The Good Daughter, someone special in my life dropped by and surprised me. She’s been talking to my director and producers tapos they came up with something. Pinapaiyak nila ako noon sa eksena at nagtataka ako kung bakit ang tagal ng cut. Ayon pala nagsisilabasan na sila at kumakanta ng birthday song. Tapos dumating ‘yong mom ko at iba pang mga sumusuporta sa akin. So medyo tumagal ‘yong break naming bago kami nag-shoot uli. That was very special to me." Glaiza De Castro: “Kapag may crush ka tapos ‘di niya alam na crush mo siya. Tapos masaya lang kayo together at ini-enjoy niyo lang ‘yong moment na walang pressure? Ayon siguro ‘yong pinakamasayang pwedeng mangyari." Barbie Forteza: “Noong nakita ko si Greyson Chance. Noong nakausap ko siya, tapos pumunta ako sa meet and greet niya. Sobrang dream come true ‘yon para sa akin." Derrick Monasterio: “Syempre ‘pag nandyan ‘yong crush mo tapos nagtititigan kayo!“ Sef Cadayona: “Kapag ipinagluto ako ng paborito kong pagkain! Napakasarap ng ganun kasi alam ko na pinaghirapan! Tapos masarap ‘yong lasa at hinahainan ka. Sobrang masaya ako doon sa ganun!" Max Collins: “Noong birthday ko, tapos mayroong nagdala ng flowers sa bahay ko. Sobrang laki noong bouquet of flowers. Doon ako kinilig kasi ang laki noon at ang ganda noong flowers tapos ang cute nung guy!" Benjamin Alves: “Someone gave me a birthday surprise, tapos she’s really sweet. It should be a dinner but we ended up sa rooftop of my friend’s house tapos we celebrated the party there. It’s just so sweet!" – GMANetwork.com