ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

16-anyos na lalaki, timbok sa pagnanakaw ng takip ng manhole


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang menor de edad sa Davao City ang dinakit ng mga awtoridad dahil sa pagnanakaw umano ng takip ng manhole. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, sinabing ang 16-anyos na lalaki ay nakita umanong tumangay ng takip ng manhole at binalak na ibenta ang bakal sa isang junk shop nitong Huwebes ng madaling-araw. Ayon sa ilang nakakita sa binatilyo, may tatlo pa umano itong kasama nang kunin ang takip ng manhole pero nakatakbo. Dahil menor de edad, ipadadala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyo. - FRJ, GMA News