GMA News Online
Ulat Filipino
»
Davao

Opisyal ng army, sundalo, patay sa bakbakan sa Davao Norte

September 14, 2012 7:27am
Patay ang isang tinyente at isang sundalo ng Philippine Army sa engkuwentro laban sa mga kasapi ng New People's Army noong Huwebes sa isang bulubunduking barangay sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte.

Ayon kay Col Lyndon Paniza, tagapagsalita ng 10th Infantry Division, kinilala ang mga napatay na sina Lt. Arvin Queddingo at si PFC Alfre Caballes, parehong mga naka-destino sa 60th Infantry Battalion.

Nagsasagawa umano ng combat operation ang mga sundalo sa Mount Tambuko, Barangay Dagohoy, nang maka-engkuwentro ang may 50 na mga rebelde ng Front Committee 55 ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.

Ayon kay Paniza, nasa isang punerarya na sa Panabo City ang mga labi nina Queddingo at Caballes.

Patuloy ang pursuit operation ng mga sundalo sa kagubatan ng Talaingod, kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang mga rebelde.

Ang Talaingod ang pinakamalaking bayan sa probinsiya ng Davao del Norte.  Ito ay malapit sa boundary ng Davao del Norte at Bukidnon.

Karamihan sa mga residente ng Talaingod ay mga miyembro ng tribung Manobo, at base sa mga naunang pahayag ng militar, karamihan sa mga miyembro at namumuno sa mga rebeldeng NPA sa nasabing bayan ay mga kilalang tribal warriors. — MM /LBG, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus