Regine Velasquez sa ‘Boy Pick-up’ theme sa 1st birthday ni Baby Nate: ‘Bakit hindi?’
Bukod sa pagpopromote ng movie nila ni Aga Muhlach na Of All The Things, busy rin ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez sa pagpaplano ng unang kaarawan ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Baby Nate.
Sa November 8 pa ang kaarawan ni Baby Nate pero ngayon pa lang ay aligaga na raw si Regine, ayon sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Huwebes.
Nang tanungin kung ano ang magiging theme ng birthday ni Baby Nate, natatawang sagot ni Regine: “Theme? Boy Pick-up…Bakit hindi, tatay naman niya si Boy Pick-up."
Ang Boy Pick-up ay ang popular character ni Ogie sa Bubble Gang na naisalin na rin sa pelikula.
Ipinaalam din ni Regine na excited siya sa gagawing bakasyon nilang pamilya sa Singapore dahil bukod sa unang out-of-country trip ito ni Baby Nate, makikita din si Nate ng dalawang anak na babae ni Ogie sa kanyang ex-wife na si Michelle van Eimeren.
“First time makikita ng girls si Nate so we’re very excited… Excited akong makita nila kasi, siyempre, kapatid nila yun. Saka excited din sila to see him," ayon kay Regine. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement