Aga Muhlach, nangako ng malinis na kampanya, walang siraan sa 2013 polls
Wala raw balak ang aktor na si Aga Muhlach na maninira sa kanyang makakalaban sa 2013 elections sa panahon ng kampanya kaugnay sa plano niyang tumakbong kongresista sa Camarines Sur.
“Basta kakampi mo naman ang tao okey lang. Siyempre may mga kalaban tayo diyan…hindi ko naman sila kalabang personal," pahayag ni Aga sa panayam matapos ang presscon sa movie nila ni Regine Velasquez na Of All The Things nitong Huwebes.
Dagdag pa ng aktor: “ Unang una wala naman akong sisiraan sa kanila at hindi ko naman balak na gawin yun. Basta ako, tatakbo ako nang tapat at gusto ko lang talagang magsilbi."
Nitong nakaraang Agosto, kabilang si Aga sa may 63 lokal na opisyal na manumpa bilang bagong miyembro ng Liberal Party (LP) na kinaaaniban ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino.
Sinabi noon ni Aga na napili niya ang LP dahil naniniwala siya sa magandang adhikain ng partido at administrasyon ni Aquino.
Bukod kay Aga, kasapi rin ng LP ang mga aktor na sina Richard Gomez at Cesar Montano. (Basahin: Mga artistang sumabak sa pulitika, ipinagtanggol ni Aga Muhlach).
Inihayag na ni Cesar na wala siyang planong tumakbo sa 2013 election. Samantalang posisyon ng alkalde sa Ormoc ang sinasabing target ni Richard.
Ilan pa sa mga artistang may planong tumakbo sa 2013 elections ay sina Phillip Salvador, Onemig Bondoc, at Annabelle Rama. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement