GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Akusasyong walang ginawa ang Palasyo vs jueteng, pinabulaanan

September 15, 2012 6:09pm
Archbishop Cruz testifies at Senate probe of jueteng
Archbishop Cruz testifies at Senate probe of jueteng. PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome (left) looks on as retired Archbishop Oscar Cruz shows senators a book on illegal numbers game during a Senate inquiry on the alleged involvement of retired DILG Usec. Rico Puno in jueteng. Benjie Castro
Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang aksusasyon na wala umano itong ginawa para sugpuin ang jueteng sa bansa.

Sa report ni Benjie Liwanag sa dzBB, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para masugpo na ang illegal numbers game.

Dagdag pa ni Lacierda, natukoy na ng Malacañang ang "big time" operators.

Giit pa ni Lacierda, hawak na ng Philippine National Police ang listahan ng gambling operators, subalit hindi muna nila isasapubliko ito dahil patuloy pa ang operayson ng mga awtoridad.

Sa isinagawang pagdinig sa Senado noong Biyernes na pinangunahan ni Senador Mirriam Defensor-Santiago, sinabi ni PNP Director General Nicanor Bartolome na naging balakid umano ang legal na Small Town Lottery (STL) sa kanilang operasyon laban sa jueteng.


Ayon kay Bartolome, ginagamit ng jueteng operators, collectors at mga kobrador ang kanilang identification cards na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga STL operators, kaya mahirap hulihin ang mga ito.
.
Inamin din ni Bartolome na hawak niya ang impormasyon ukol sa sistema ng "payola."

Sa puntong ito, sinabi ni Bartolome na sa isang executive session ng Senado niya ibubunyag ang sistema ng payola at kung sinu-sino sa gobyerno ang nakatatanggap ng pera galing sa jueteng.

Nauna nang inakusahan ni retired Lingayen Archbishop Oscar Cruz ang Malacañang na hindi umano gumawa ng paraan para mapatigil na ang patuloy na operasyon ng jeuteng. — LBG, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement