GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Mga parte ng katawan ng tao ikinalat sa Guadalupe Bridge

September 16, 2012 2:47pm
Nagkalat sa may Guadalupe Bridge sa Makati sa kahabaan ng EDSA ang mga putul-putol na parte ng katawan ng isang hindi pa nakikilalang biktima Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Glenn Juego sa dzBB, sinabi ng mga imbestigador mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) na posibleng lalaki ang "chop-chop victim" dahil malalaki ang parte ng katawan na ikinalat.

Kasama rin umano sa natagpuan ang ilang bahagi "internal organs."

Sa kuwento ng isang Maria Yutob, street sweeper ng Metro Manila Development Authority (MMDA), inakala nilang basura lamang na nakalagay sa isang plastic bag ang nasa tulay, at nang masagasaan ang mga ito ng isang taxi, doon pa lamang  nila nalaman na mga pira-pirasong katawan pala ng tao.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon ng mga pira-pirasong katawan ng tao doon sa tulay. — LBG, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus