GMA News Online
NewsTV
»
Reel Time

Reel Time

'Gusto Kong Sumikat' ang kauna-unahang mokumentaryo sa Philippine TV

September 16, 2012 2:56pm

REEL TIME
Gusto Kong Sumikat
Airing Date: September 16, 2012
 


 

Ang Kauna-unahang Mokumentaryo sa Philippine TV
Premiere Night sa September 16, Linggo, 8:45 ng gabi sa GMA NewsTV Channel 11

 

Ang pag-aartista ay pantasya ng masa. Marami ang gustong magpabida.
 

Trending sa telebisyon ang iba't ibang talent reality search at competition na naghahanap ng mga bagong mukhang maipapakilala sa mundo ng showbusiness. Pang-akit sa mga kalahok ang nakalululang premyo - milyun-milyong piso, kotse, brand new house and lot (fully-furnished pa ang iba), at pangakong magiging bagong bituin na titingalain ng publiko. Lalo pang pinalakas ang kapangyarihan ng mga manonood sa pagpili ng bago nilang idolo sa pamamagitan ng 'text votes' para mapulsuhan ang pinakasikat at karapat-dapat tawaging 'artista'.
 

Bakit nga ba tila baliw na baliw ang maraming Pilipino para makapasok sa mundo ng show business? Ano nga ba ang tamang landas na dapat sundin para makarating sa tinatawag na 'road to stardom'?
 

Tampok ng Reel Time ang bago at naiibang anyo ng dokumentaryo sa telebisyon - mokumentaryo o mockumentary. Ayon sa website na Wikipedia, "Mock documentary or 'mockumentary' is a fictitious representation of reality  in documentary format."
 

Susundan ng mokumentaryong "Gusto Kong Sumikat!" ang pakikipagsapalaran ng karakter na si Tala Halina, na aminadong 'trying-hard' din sa pag-aartista. Lalahok siya sa mga audition, workshops at make-over session para maging 'sikat'. Sinasalamin ni Tala ang hindi mabali-baling paniniwala ng marami na ang pag-aartista ang sagot sa kahirapan ng kanilang pamilya.
 

Pero ayon sa batikang manunulat at direktor na si Joey Reyes, pinahihina ng mga naglipanang reality shows at talent search ang pundasyon ng entertainment industry sa Pilipinas. Hindi raw kasi nakukuha sa ilang araw na 'exposure', ang paglikha ng isang 'ganap na artista'. Ayon din sa kasamahan niyang direktor at talent manager na si Maryo J. delos Reyes, mali ang inaakala ng iba na madaling kumita ng pera sa pag-aartista. Sumasang-ayon dito ang opisyal ng GMA Network na si Arsi Baltazar, dahil aniya, walang sumisikat na bituin sa  madaling paraan. Pero sa kabila nito, 'there's no business, like show business' wika nga ni German "Kuya Germs" Moreno.
 

Babasagin na ang 'hubad na katotohan' ng showbiz, sa kuwento ni Tala at ng mga Pilipinong lulunukin ang lahat para lang sumikat, sa mokumentaryo ng Reel Time na "Gusto Kong Sumikat!" premiere night ngayong Linggo sa GMA NewsTV Channel 11.
 




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Reel Time on Facebook
Reel Time on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement