GMA News Online NewsTV » Brigada

Brigada

Pinulutang Pawikan, Bonita, at Kwentong Kutsero, mamayang gabi sa iisang 'Brigada'

September 17, 2012 2:41pm

Tags: Pampanga


Sa Padre Burgos, Quezon, aksidenteng nalambat ang isang pawikan.  Pero imbis na i-turn over ito sa mga kinauukulan, kinatay at nilantakan ito ng ilang mga residente roon. Pero mariin nilang giit, namatay na raw kasi ang pawikan kaya nila ito pinagdiskitahan. Ito'y sa kabila na pinagbabawal ito ng batas dahil nanganganib nang maubos ang lahi ng mga pawikan.  Inalam ni Marisol Abdurahman ang katotohanan sa likod ng usaping ito.



Dalawang buwan na ang nakakaraan nang unang pinasabog ni John Consulta ang kwento ni Bonita Baran, ang kasambahay na diumano'y minaltrato ng kanyang mga amo. Ang paghahanap ng hustisya ni Bonita, umabot na ngayon hanggang Senado.  Sa pagpunta ng Brigada sa probinsya ni Bonita sa Catanduanes, nadiskubre naming marami pa pala roong katulad niya, na namasukan dito sa Maynila at nakaranas ng kalupitan.



Ang mga kalesa sa San Fernando, Pampanga --- minake-over!  Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang Kalesa Festival.  Aalamin ni Hadji Rietakung bakit hanggang ngayon, kalesa pa rin ang isa sa mga inaasahang transportasyon sa San Fernando.

Tags: Pampanga


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Brigada on Facebook
Brigada on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement