ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Maroon 5 nasa bansa na para sa kanilang concert
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dumating na sa bansa ang sikat na American pop rock band na Maroon 5 nitong Linggo ng gabi para sa kanilang concert bukas, Setyembre 18, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, magtatanghal ang nasabing banda sa bansa upang i-promote ang kanilang bagong album na "Overexposed" kung saan kabilang ang hit song na "Payphone." Ito na ang ikatlong beses na pumunta ang Maroon 5 sa bansa para mag-concert. Nakilala rin ang Maroon 5 sa kanilang awiting "This Love," "She Will Be Loved," at "Moves Like Jagger." Makakasama ng Maroon 5 ang bandang The Cab bilang special guest. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News
More Videos
Most Popular