GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Mas maraming lalaki ang walang trabaho

September 18, 2012 8:18pm
Halos hindi nagbago ang tala sa bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa bansa ngayong Hulyo kumpara sa katulad na panahon noong 2011. Batay ito sa Labor Force Survey na isinagawa ng National Statistics Office o NSO.

Sa naturang ulat, lumitaw na nasa 7.0 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Hulyo, na hindi nalalayo sa 7.1 percent na naitala noong 2011.

Nasa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming bilang ng mga Pinoy na walang trabaho na umaabot sa 9.9 percent. Samantala, pinakamababa naman ang unemployment rate sa Cagayan Valley na nasa 3.2 percent.

Ang Cagayan Valley ang nakapagtala ng pinakamataas na employment rate (o may trabaho) na umaabot sa 96.8 percent. Sumunod ang Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at Zamboanga Peninsula (95.9 percent each).

Sa naturang pag-aaral, lumitaw na mas marami ang lalaki na walang trabaho (62.1 percent), kumpara sa mga babae (37.9 percent). Pinakamarami sa mga walang trabaho ay nasa edad na 15 hanggang 24.

Nasa 22.7 percent o 8.5 milyong Pinoy naman ang underemployed hanggang nitong Hulyo. Mas mataas ito sa 19.1 na naitala noong Hulyo 2011. -- FRJ, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus