GMA News Online Ulat Filipino » Iloilo

2 lalaking nakabundol sa Iloilo, nagsuntukan sa labas ng presinto

September 18, 2012 9:17pm

Dalawang lalaki na magkasama sa isang sasakyan na nakabundol ng tao ang nagsisihan at nagsuntukan sa labas mismo ng presinto ng pulisya sa Iloilo City.

Sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing dinakip ng pulisya ang magkasamang sina Mariano Castroberde at Reyman Balayan matapos makabundol ng isang tao sa Brgy. Buhang, Iloilo City.



Dahil sa aksidente, nagkainitan umano ang dalawa nang sisihin ni Balayan si Castroberde na humantong sa kanilang pagsusuntukan.

Gayunman, hindi na nagsampa ng demanda ang lalaking nabundol nila kapalit ng perang ibinigay nila para ito makapagpagamot. -- FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement