GMA News Online
Showbiz

Ilang Kapuso hunks, pinainit ang gabi sa Cosmo Bachelor Bash

September 19, 2012 11:27am
Talagang inabangan at tinilian ng mga dumalo ang mga kalalakihang rumampa sa Bachelor Bash ng Cosmopolitan Magazine Philippines na ginanap sa World Trade Center, Pasay City noong Martes.
 
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Saksi, ang grand entrance ng Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga ang unang patikim ng nasabing event. 
 
Pinakita niya sa katatpaos na all-out party ang kanyang magandang pangangatawan para sa mga manonood at tagahangang dumalo.
 
 
Maliban dito, nagpakitang gilas naman sa pagsayaw ang mga certified Kapuso hunks na si Rocco Nacino at Enzo Pineda.
 
Very daring naman ang pagrampa ng Kapuso hunk na si Pancho Magno habang muntikan namang mahulog sa entablado ang aktor na si James Blanco nang hatakin siya ng mga fan papunta sa kanila.
 
Boy next door naman ang imaheng ipinakita ng hunk aktor na si Carlo Gonzales sa pagrampa niya habang machong-macho namang ipinakita ni JC Tiuseco ang kanyang 6-pack abs sa tumitiling fans.
 
Sexing rumampa rin ang mga atletang sina Anton del Rosario ng Azkals at Andrew Wolff ng Philippine Volcanoes sa nasabing event.
 
Gayundin, mas lalong lumakas ang hiyawan sa lugar nang magsimula nang pumasok ang Top 10 Cosmo Bachelors ng bansa kung saan tampok ang tatlong Kapuso hunks. 
 
Rumampa ang One True Love star na si Alden Richards suot ang kanyang pink polo at ripped pants. 
 
Habang naglalakad ang aktor ay unti-unti nitong tinanggal ang kanyang suot na polo at pinunit ang kanyan pantalon pagdating niya sa gitna ng entablado.
 
Sexy and nerdy naman ang naisipang costume ng Kapuso hunk na si Mikael Daez. Suot ang kanyang nerdy glasses, puting polo, at itim na sando. 
 
Unti-unting tinanggal ng Sana'y Ikaw na Nga star ang kanyang suot habang palakas nang palakas ang hiyawan ng mga fans na dumalo.
 
Hindi rin nagpatalo ang Starstruck avenger na si Ian Batherson suot ang kanyang policeman costume.
 
Suot ang kanyang itim na sando, police hat, blue pants, at ilan pang policeman accessories tulad ng whistle, talagang pinainit ni Ian ang entablado at buong lugar sa kanyang pagrampa. Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Go to comments