GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Enrile, pinaghinalaan ni Trillanes na kaalyado ni ex-Pres. Arroyo

September 19, 2012 7:57pm

Nagkainitan sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Antonio Trillanes IV sa deliberasyon ng Senado nitong Miyerkules na nauwi sa pag-walkout ng huli at pagkalas sa grupo ng mayorya.

"I manifest that I am leaving the majority and consequently joining the minority effective this day," pahayag ni Trillanes sa kanyang privilege speech.

Ang pagkalas sa mayorya ay bunga ng pagpipilit at pagmamadali umano ni Enrile na maipasa ang panukalang batas na hatiin ang Camarines Sur para malikha ang bagong lalawigan na Nueva Camarines.

"Everyone in this August chamber knows that this bill is gerrymandering in its worst kind, particularly, one that would provide for new elective positions to accommodate two three-term congressmen.

"But if it were so, why would our Senate President be particularly interested to the point of straining relations with members of the very Senate that he leads? Is it just to please Congressman Villafuerte?" patungkol ni Trillanes kay Rep. Luis Villafuerte.

Kuwento ni Trillanes, pinayagan ni Enrile na makasali si Villafuerte sa isang all-senator caucus para talakayin ang panukalang batas sa paghati sa Camarines Sur.

Ayon pa sa senador, nais sana niyang maghain ng oposisyon sa naturang panukala pero pinagbawalan siya ni Enrile. (Basahin: Senators feeling pressure over lobbying for CamSur split)

"I got out of that caucus feeling trampled upon by a bully determined to get his way. My neophyte instincts were telling me then to just keep the peace and get out of his way. But then, the public servant in me just couldn't let this thing pass," ayon sa senador.

"Why would he rush it to the point of dictating on a chief of staff of a fellow senator on what his principal should do and when he should schedule his committee hearings? Worse, our Senate President didn’t even cancel the session at the height of the habagat rains when all government agencies already did, just so this bill could be tackled," dagdag ni Trillanes.

Ayon kay Trillanes, napagtanto niya ang ginawa ni Enrile matapos lumabas ang isang ulat sa Philippine Star noong September 6 na nagsasabing si dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang personal na tumawag kay Enrile para madaliin ang pagpasa ng panukala.

"With this totally unexpected twist, everything seemed to fall into place. Now, there remain only two possibilities: that our Senate President is deeply indebted to GMA [Mrs. Arroyo's initials]; or that he is a GMA lackey. Either way, I have lost trust, faith and confidence in Senator Enrile’s capability to lead the Senate along the path consistent with the reform agenda that I espouse," pahayag ng senador.

Kasalukuyang kongresista sa Camarines Sur ang isang anak ni Arroyo na si Diosdado "Dato" Arroyo. (Basahin: Joker opposes division of CamSur; says split to serve political families)

Kilala rin ang Bicol region na kinabibilangan ng CamSur sa mga itinuturing “vote rich area" sa panahon ng halalan.



Hindi totoo

Itinanggi naman ni Enrile ang mga paratang ni Trillanes. Ito umano ang unang pagkakataon na inakusahan siya na nagmamaniobra o nampupuwersa ng tao sa Senado.

Paliwanag ng betaranong senador, pinayagan niyang dumalo sa caucus si Villafuerte para ipaliwanag ang “timeline" sa pagtalakay sa panukalang batas.

"That was the reason why Cong. Villafuerte was asked to enter the room because I did not know about the timeline he was talking about and you did not know this because you were late," ani Enrile. "Did I say anything to pressure you, to favor one side or the other?"

Patuloy ni Enrile, sa plenaryo at hindi rin sa caucus dapat ilahad ni Trillanes ang oposisyon nito sa panukala.

Pinagsabihan din nito si Trillanes na pawang hindi totoo ang mga sinabi tungkol sa naturang pulong sa panukalang batas.

Nagalit lamang umano si Trillanes dahil hindi niya pinayagan ang hinihingi nitong dagdag na pondo para sa pinamumunuang oversight committee.

Ang akusasyon ni Enrile ay itinanggi naman ni Trillanes.

Ngunit hirit ni Enrile: "I was the one who took you out of the rut while you were in prison in Camp Crame. I never did this before. I went out of my way to talk to people so that you can get back here in the Senate and I guaranteed your presence here, but I'm not saying this because I want you to owe any favor to me. I'm just putting that on record to show on record to show the character of each one of us here."

Back door negotiation sa China

Sa patuloy na pag-atake ni Enrile, ibinisto nito ang ilang detalye sa umano’y pagiging lihim na negosyador ni Trillanes sa China na labis umano niyang ikinagulat.

"I'm sure you resented my statement when we were in the Cabinet [meeting] when you were presenting your supposed position as against the position of the Department of Foreign Affairs when President Aquino invited me to attend a Cabinet meeting on the Scarborough problem and I told you who authorized you to make a backroom negotiation with the Chinese for the Scarborough and you were telling me about treason remember? The fact is I asked you who did you talk to in China?" tanong ni Enrile.

Iginiit din ni Enrile na dapat ipinapaalam ni Trillanes sa liderato ang mga ginawa nito bilang miyembro ng Senado.

"You have a duty to notify the Office of the Senate President when you leave this country to go abroad and the only time that I have authorized you is one time. I don't know how many times you have been to China, my understanding is you have been to China talking to the Chinese government for six times already and that you have met them 15 or 16 times for what reason we do not know," ayon sa lider ng Senado.

"You went to China, you asked the ambassador of the Philippines there Madam [Sonia] Brady and you said do not take notes during our conversation and you called the secretary of foreign affairs a traitor. You told me that he committed treason," patuloy ni Enrile.

Ngunit tumanggi si Trillanes na sagutin ang mga tanong tungkol kay Brady dahil itinuturing itong confidential at State secret. Kasunod nito ay ang pag-alis na ng senador sa plenaryo.

"He cannot take the heat, he is a coward," ayon kay Enrile.

Kinumpirma ng Palasyo

Kinumpirma naman ni presidential spokesperson Edwin Lacierda ang pagiging emisaryo ni Trillanes para makipag-usap sa ilang lider ng China pero ang senador umano ang nagboluntaryo.

“The President was approached by Senator Trillanes [to say that] ‘there’s a way forward to hold these things," ayon kay Lacierda.

“This was during the height of the tensions between China and the Philippines and the President said ‘let’s keep our options open,’" dagdag pa niya.

Gayunman, tumanggi si Lacierda na idetalye ang naging papel ni Trillanes bilang ‘special envoy.’

Sa panayam ng media, sinabi ni Trillanes na ginawa lamang niya ang trabahong ibinigay sa kanya ni Aquino upang mabawasan ang tensiyon ng China at Pilipinas tungkol sa mga pinag-aagawang sa Scarborough Shoal. — FRJimenez, GMA News
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus