Peaceful elections, illegal gambling, malaking hamon kay Sec. Roxas
Malaking hamon umano sa liderato ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang pagtiyak na magiging mapayapa ang darating na 2013 mid-term elections at masugpo ang illegal gambling sa bansa.
Sa panayam ng radio Veritas nitong Huwebes, sinabi ni Ambassador Henrietta de Villa, pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, na kailangang tutukan ni Roxas ang mga lokal na opisyal sa barangay na hindi tumutupad sa patakaran ng Commission on Election (Comelec) tuwing halalan.
“Nakita ko talaga na nakikialam ang mga barangay officials na hindi dapat ganun. Dapat yun bigyan din ng DILG ng orientation on how to act as barangay officials during elections. Hindi dapat sila makikialam," pahayag ni de Villa.
Dagdag pa niya, magiging malaking pagsubok din umano kay Roxas na maging non-partisan sa halalan kahit pa siya ngayon ang presidente ng partido ng administrasyon na Liberal Party.
"I know naman na si Sec. Roxas ay masasabi natin na buhat pa nung nasa DTI (Trade and Industry) pa siya ay maganda naman ang record niya, kahit pa sa Senado. Kaya I trust na ipapatuloy niya ang kanyang mga magagandang gawain bilang isang public servant," ayon kay de Villa.
Sinabi niya na bilang pinuno ng DILG, dapat itaguyod ni Roxas ang kapakanan ng lahat pagsapit ng halalan, kapartido man niya ito o hindi.
Kasabay nito, sinabi naman ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz, na kailangang makuha ni Roxas ang suporta ng mga lokal na opisyal kung nais nitong masugpo ang mga ilegal na sugal partikular na ang jueteng.
Igiinit ng arsobispo na madali lamang mapapatigil ang jueteng kung nanaisin ng mga lokal na opisyal at pamunuan ng pulisya.
Nitong Miyerkules ay nakalusot na sa Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Roxas bilang pinuno ng DILG. -- MP/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement