GMA News Online
NewsTV
»
May Tamang Balita!

May Tamang Balita!

Mga pogi at epalmuks sa 'May Tamang Balita'

September 20, 2012 10:12pm

MAY TAMANG BALITA
Mga pogi at epalmuks
Airing Date: September 20, 2012

Oras na para sa mga balitang gawa-gawa at may patama...dahil narito na ang May Tamang Balita!

Pa-pogi?!! Pagpapapogi raw ang pagpapautos diumano ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipatanggal ang lahat ng mga nakapaskil na streamer at tarpaulin kung saan naka-display ang kanyang mukha at pangalan.

Sagot ng mga hindi natutuwa sa tila maganda naman sanang balita --- aba'y pera ng taumbayan na naman ang gagastusin sa pagpapatanggal ng mga "epal" signs na 'yan!

Samantala, poging-pogi naman sa mata ng ilan nating kababayan ang mga patuloy pa rin na nag-i-imbestiga sa mga nakaw na yaman diumano ng mga Marcos.

Ang latest --- nawawala raw ang bilyun-bilyong pisong halaga ng mga alahas ng dating unang ginang na si Imelda!

Ang tinuturong salarin, walang iba kundi ang social climber na napakahilig din sa mamahaling alahas na si Madam Belle DamAng walang inuurungang talent manager, sasagot na!

At heto na ang mga tunay na pogi! Kilalanin ang binatilyong nagwagi sa inabangang "Mr. Pogi" contest ng Eat Bulaga.  At kilatisin naman ang mga kalalakihang rumampa nang hubad sa tinilian at pinagkaguluhang "Cosmo Bachelor Bash"!

Ito at iba pang balitang may tama, ihahatid nina Ramon Bautista, Maey B. at Boobay, kasama ang special guest ng tropa na si Ms. Glaiza de Castro!

Abangan ang May Tamang Balita ngayong Huwebes, sa bago nitong oras na 10:30PM, dito lang sa GMA News TV!




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
May Tamang Balita! on Facebook
May Tamang Balita! on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement