GMA News Online
Ulat Filipino
»
Cebu

Kasambahay na sinaktan umano ng mga pulis, nakapiit pa rin

September 20, 2012 10:57pm

Tags: Cebu City
Nananatiling nakadetine sa isang police station sa Cebu City ang isang kasambahay na sinaktan umano ng limang pulis para umamin sa ibinibintang na kasong pagnanakaw sa kanyang amo.

Sa ulat ng GMA-Cebu reporter Mark Sembrano sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabi nito na hindi pa rin nagpapakita ang amo na umano'y pinagnakawan ng kasambahay.

Una rito, sinabi ng kasambahay na 'di binanggit ang pangalan, na napilitan lamang siyang umamin na ninakawan niya ng P160,000 ang kanyang amo dahil sa pananakit at pananakot umano ng limang pulis.



Nauna nang itinanggi ng mga pulis ang paratang laban sa kanila.

Gayunpaman, hindi pa nasisimulan ng pamunuan ng pulisya sa Cebu ang imbestigasyon sa limang pulis dahil wala pang reklamo na isinasampa sa mga ito.

Napag-alaman na unang nagtungo sa Human Rights Commission-Region 7 ang mga kamag-anak ng kasambahay para hilingin na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang usapin. - FRJ, GMA News

Tags: Cebu City



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus