GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

2 pulis sinibak dahil sa pagdami ng illegal vendors sa Baclaran

September 21, 2012 9:04am

Tags: MMDA
Dalawang pulis ang sinibak sa tungkulin dahil sa pagdami ng illegal vendors sa Baclaran area sa Parañaque City.

Sa ulat ni Sam Nielsen sa dzBB, sinabi ni Parañaque City pulis chief Sr. Supt. Billy Beltran na pinasibak na nito sa puwesto sina PO2 Adrian Valencia at PO2 Elan Sagario, na kapuwa nakatalaga sa Police Precinct 1 sa Baclaran.

Ipinag-utos ni Beltran kay Police Chief Inspector Yayah Yusop, District 1 commander ng Parañaque PNP, ang pagsibak sa dalawa.

Nakarating umano kay Beltran ang mga reklamo ng mga motorista at ng lehitimong vendors sa Baclaran ang umano'y pagpapabaya ng mga pulis sa pagdami ng illegal vendors sa lugar.

Nakarating din umano kay Beltran ang reklamo ng panghihingi nga mga pulis ng lagay mula sa vendors. — LBG, GMA News
Go to comments

Tags: MMDA



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus