GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Media group, sumugod sa Kamara para sa FOI bill

September 21, 2012 9:44am
Sumugod sa Kaamara ang mga opisyales ng National Press Club para alamin kung maipapasa ba ang Freedom of Information bill.

Kinausap ng mga opisyal ng NPC si House Committee on Public Information Representative Ben Evardone (Eastern Samar), ayon sa report ni Rowena Salvacion sa dzBB.

Ayon kay NPC president Benny Antiporda, positibo ang resulta ng pakikipag-usap ng grupo kay Evardone, dahil ipinangako umano ng mambabatas sisikapin nitong paagahin ang pagdinig sa FOI bill sa halip na sa Nobyembre pa.

Maisisingit umano ang pagdinig ng panukalang batas sa pagbalik ng sesyon na mag-uumpisa naman sa ika-8 ng Oktubre.

Sinabi naman ni Antiporda na minabuti na nilang kausapin si Evardone para malaman
na kung may balak pang ipasa ang FOI bill. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus