GMA News Online
Public Affairs
»
Aha

Aha

AHA-mazing Dogs, tampok ngayong Linggo!

September 21, 2012 9:38am
Ngayong Linggo ng umaga sa AHA!
 
Rarampa…
 
Magpapakitang-gilas…
                                                         
Magpapa-bibo ang mga…
 
AHA-mazing Dogs!
(September 23, 2012 / Sunday 9:15AM)
 
AHA-lam n’yo ba na ang aso ay ‘nilikha’ ng tao?  Mula sa sinaunang wolves in the wild, paano nga ba sila naging loveable pet dogs natin ngayon?  Bakit sankaterba na ang mga lahi at hitsura nila? Ang siyensya sa likod ng cross-breeding ng mga aso ilalantad na!
 
Heto pa!  Ang bagong movie at primetime TV Princess na bida sa pelikulang 'Bwakaw' at 'Aso ni San Roque' sa GMA7,  may isisiwalat ngayong umaga!   Ano ang meron sa  pinakabagong Kapuso dog actress that made her stand out from the rest?  Si Doc Eddie magpapakitang-gilas rin!  AHA-lamin kung paano manggamot ng tao ang asong doctor na ito.
 
Kaliwete o maka-kanan ba ang aso mo?  Gaano siya katalino at ka-talented?  May ipapakitang easy-to-do dog tests si Ka-AHAng Boobay a.k.a. Doorah ‘d Lakwatsira.   Meron pa!  Hahasain nang todo ang kakayahan ng mga piling-piling aso para umatake sa masasamang tao, at si Doorah ibubuwis ang buhay!  Haharapin niya ang mga nanggagalaiting K-9 patrol at military dogs para alamin ang science behind their training.
 
Hatid ni AHA guy Drew Arellano ang sari-saring kuwentong aso.  ‘Wag nang umatungal sa buhay…relax na lang at mapa-bow-wow.   Sa AHA!  ‘yan, ngayong Linggo, 9:15 ng umaga sa GMA 7.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus