GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Cayetano: PHL, nalagay sa alanganin sa bangayang Enrile-Trillanes

September 21, 2012 1:29pm

Enrile bares secret notes of Amb. Brady on Trillanes meeting
Enrile bares secret notes of Amb. Brady on Trillanes meeting. Senate President Juan Ponce Enrile visited the set of GMA News TV's News To Go with an envelope marked 'secret,' which he said was delivered to him. The envelope contained the confidential notes of PHL Ambassador to China Sonia Brady on her meeting with Sen. Antonio Trillanes, who said Foreign Secretary Albert del Rosario was treasonous in his dealings with China. Howie Severino
Malaking problema para sa bansa ang maaaring idudulot ng personal na alitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Antonio Trillanes IV, ayon kay Senate Minority Leader Allan Peter Cayetano.

Sa ulat ni Nimfa Ravelo sa dzBB, sinabi ni Cayetano na naging "collateral damage" sa bangayan ng dalawa ang national security at ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa.

Ayon kay Cayetano, ang pagsiwalat umano ni Enrile sa "confidential notes" ni Ambasador Sonia Brady, o ang tinatawag sa ngayon na "Brady notes" ay pagbabandera umano sa [mga sikreto] kung paano humawak ang pamahalaan ng Pilipinas ng isang krisis at kung paano ito makipag-ugnayan sa isang bansa.

Sa "Brady notes," idinetalye umano ng ambasador ng Pilipinas sa China ang mga sinabi ni Trillanes laban kay Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, at ang mga pagmamalaki umano ni Trillanes bilang "backdoor negotiator" para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Ayon kay Cayetano, natural na mataas ang emosyon dahil sa batuhan ng mga akusasyon nina Enrile at Trillanes.

Pero sana hindi na idinamay ang diplomatic relations natin sa China sa away ng dalawa.

Kahit anya sa Freedom of Information (FOI) bill, kung saan layunin na isapubliko ang lahat ng dokumento at impormasyon na hawak ng gobyerno, at kahit pa sa Senado kapag may public hearing, mayroon pa ring kinokonsiderang "confidential information" kapag nakataya ang pambansang seguridad.

Kaugnay nito, sinabi ni Cayetano na higit sa away nina Enrile at Trillanes, at higit din sa diskurso kung sino sa dalawa ang tama, mas dapat umanong pagtuunan ang pagresolba sa implikasyon sa pagkabulgar ng "Brady notes."

Sa mga naunang panayam, pinanindigan ni Enrile na hindi niya ikokumpromiso ang national security sa kanyang pagsasa-publiko ng "Brady notes." Sa halip, ayon kay Enrile, si Trillanes umano ang naglagay sa bansa sa alanganin dahil sa mga sariling diskarte ng bagitong senador sa China.

Sinabi din ni Enrile na wala namang confidential umano sa "Brady notes" dahil ibinisto lamang doon ang mga umanoy paninirang puri ni Trillanes kay Del Rosario. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement