ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbabayad sa mga nasabugan sa Davao, propaganda lang ng NPA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinawag ng Philippine Army na isang propaganda lamang ang ginawang pagbayad ng mga rebeldeng komunista sa mga biktima ng pagsabog ng gradana Davao City noong Setyembre 1. Ayon sa pahayag ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, pagkukunwari lamang ang umano'y P5,000 na ibinayad ng New People's Army at ng National Democratic Front sa bawat biktima. Tinutukoy ng pahayag ang ginawa ng Third Party Facilitator na inatasan ng NDF na mag-abot ng bayad sa danyos sa lahat ng mga biktima ng pagsabog ng granada sa barangay Fatima, Paquibato district. Inako ng NPA na kagagawan ng ilan sa kanilang mga kasamahan ang pagsabog na dapat ay doon sa loob ng army detachment nangyari. Ang Third Party Facilitator ay isang grupo na binubuo ng ilang sektor na naging aktibo na rin sa mga nakaraang mga negosasyon para mapalaya ang mga naging "Prisoner of War" (POW) noon ng mga rebelde. "The New People’s Army’s recent story of indemnification of P5,000 per victim in the most recent Paquibato grenade  blast is another attempt that the NDF/NPA in order to mask it’s true nature as an organized crime group engaged in extortion activities and as a human rights violator.  It is nothing but a propaganda that the public and individuals with critical minds should not allow themselves to be deceived," ayon sa pahayag ng army command na naka-base sa Mawab, Compostela Valley.  "The P5,000 [each] if one can even call it an indemnification, is not enough to compensate for the trauma and fear forever infused in their recall by the Paquibato circus bombing," dagdag pa ng pahayag. Noong Martes, nagpunta sa barangay Fatima ang mga miyembro ng Third Party Facilitator kung saan ibinigay ang P5,000 sa bawat nasugatan sa pagsabog ng granada na inihagis ng mga tauhan ng NPA. Kabilang sa 48 na mga nasugatang biktima, 18 sa kanila ay mga bata, ayon na rin sa listahan na nauna nang inilabas ng NDF. Ang detachment ng militar na malapit sa covered court ng Barangay Fatima ang puntirya ng mga NPA, pero sumablay ang bomba sa net na nakabakod sa kampo, at doon na sumabog sa mga nanonood ng circus. Sinabi na ng pamunuan ng NPA na hindi nila isusuko sa militar ang mga responsableng rebelde, bagkus ay sila na rin ang magpataw ng parusa sa kanilang mga kasamahan. Ang desisyon naman ng NPA na hindi nila isusuko ang kanilang mga kasamahan ay mariin namang kinondena ng pamunuan ng militar, at ni Davao City Mayor Sarah Duterte. —  MM/LBG, GMA News