GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Jessica Sanchez in Manila, Jeep ni Juan, Mr. Pogi, at iba pa sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

September 21, 2012 3:57pm



Tinutukan ni Jessica Soho ang Finals ng American Idol sa Los Angeles nitong Mayo kung saan tinanghal na 1st runner up ang half-Filipina na si Jessica Sanchez. Sa pagbisita ni Sanchez sa Pilipinas, ikukuwento niya kay Soho ang mga nangyari sa kanya mula nang huling beses silang magkita sa Amerika. Titikim din si Sanchez ng balut at makakaharap ang kanyang numero unong fan at impersonator na si Jaja.



Layunin ngayon ng Department of Tourism na ibalik ang kulay at ganda ng ating mga jeepney.  Dahil dito, 50 jeepney ang pipinturahan sa isang Jeepney Design Contest. Patunay lang na ang pagsakay sa Jeep, "It's more fun in the Philippines"!



Tinanghal na Mr. Pogi 2012 ang dating checker sa mall na si John Edric Ulang. Tinalo niya ang labing anim na mga kalahok sa pakontest na ito ng Eat Bulaga. Ang mga behind the scene sa Grand Finals ng Mr. Pogi, mapapanood ngayong Sabado sa KMJS.



Ang walang tigil na pag-ikot, nakakarelax at nakakagaling daw? Ito ang spinning meditation na nauuso sa Bacolod City. Si Julian Chua, dahil sa kanyang stage four prostate cancer, hirap siyang maglakad at kumilos. Pero sa loob lang ng isang taon diumano ng spinning meditation, nakakalakad na siya at nakakapagmaneho pa. Gaano nga ba ito katotoo?

Abangan ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado, 8PM sa GMA Ch. 7.




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement