GMA News Online
NewsTV
»
Good News

Good News

'Pusong Pinoy' at 'Best Bulalo' sa Good News!

September 21, 2012 7:55pm
GOOD NEWS
September 23, 2012

PUSONG PINOY
Ayon sa isang international survey, ang Pilipinas daw ang friendliest country sa Asya!  Kaya naman kinilala namin ang mga dayuhang nanirahan na at natutunan nang mahalin ang bansa na parang tulad ng isang tunay na Pilipino.  Alamin ang mga bagay na hinahangaan nila sa ating kultura at kaugalian.
 
PANALONG PECHAY!
Sa gitna ng nagtataasang presyo ng bilihin, ang pechay, steady lang daw ang presyo.  Kaya naman para makatipid, inalam namin ang mga recipe na pwedeng pagbidahan ng mura at masustansyang gulay na ito.  Tikman ang mga panalong putahe tulad ng chicken-stuffed pechay, malunggay siomai wrapped in pechay at healthy fish balls! 
 
LABANOS LOVE!
Totoo na ang gulay, pampahaba ng buhay.  Ang labanos nga raw, hindi lang nagpapasarap ng sinigang, tumutulong din daw itong mapaginhawa ang ilang simpleng karamdaman gaya ng lagnat at sipon.  Maski ang pagpapa-beauty, hindi rin nagpapahuli ang labanos dahil pwede itong gamiting pampaputi ng balat!
 
BONGGANG BANIG!
Ang banig, hindi lang simpleng higaan ngayon.  Mula kasi sa materyal na ito, nakalilikha ng mga obra.  Bumibida rin ito sa mundo ng fashion kung saan ginagawa itong inspirasyon para sa mga gown, sapatos at bag.  Mula noon hanggang ngayon, ang banig, walang kakupas-kupas!
 
BEST BULALO!
Alamin at tikman ang sari-saring mga bulalo mula sa iba't ibang mga probinsya --- mula Batangas hanggang Antique at Bacolod.  Anu-ano ang mga kakaibang sangkap ng mga bulalong ito? At alin naman kaya ang mas angkop sa panlasa ninyo?
 
 



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Good News on Facebook
Good News on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement