ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang abogado na kumuwestiyon sa legalidad ng Proclamation 1081 ni Marcos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kilala niyo ba kung sino ang unang human rights lawyer (na senador ngayon) na nagtungo sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang legalidad ng Proclamation 1081 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., para ideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Matapos ianunsyo ni Marcos na isinasailalim niya sa batas militar ang buong bansa, agad na nagtungo sa SC si Arroyo para kuwestiyunin ang legalidad ng Proc. 1081 sa ilalim ng 1935 Constitution. Kasama rin si Arroyo sa mga abogado na kumuwestiyon sa niratipikahang bagong Saligang Batas na 1973 Constitution na nagbigay-daan para magtagal sa posisyon si Marcos. Dinakip at nakulong din si Arroyo noong panahon ng batas militar. Ilan sa mga kilalang personalidad na idinepensa niya bilang human rights lawyers ay sina dating Senador Benigno “Ninoy" Aquino, Jr.; Sen. Sergio Osmeña III, dating Sens Jovito Salonga, Eva Kalaw, Aquilino Pimentel Jr., at iba pa. Nang mapatalsik si Marcos sa pamamagitan ng EDSA 1 People Power revolution noong 1986, hinirang si Arroyo bilang executive secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino, ina ng kasalukuyang pangulo na si Benigno “Noynoy" Aquino III. Naging kongresista ng Makati si Arroyo sa loob ng siyam na taon (tatlong termino mula 1992, 1995 at 1998). Taong 2001 nang una siyang mahalal na senador at muling nanalo noong 2007 elections. Magtatapos ang kanyang termino bilang senador sa 2013. -- FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia