GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

3 hinihinalang holdaper, napatay sa Quiapo shootout

September 22, 2012 4:04pm
Tatlong hinihinalang holdaper ang nasawi matapos na makipagbarilan umano sa mga pulis sa Quiapo, Manila nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Leonardo Espina, agad na nasawi ang tatlong suspek na hindi pa nakikilala.

Sa inisyal na ulat, sinabing hinoldap ng mga suspek at kinuha ang mga gamit ng mga biktimang sina Vanessa Español at Tricia Mañalac sa Quezon Boulevard underpass dakong 3:00 a.m.

Nakaresponde naman ang mga nagpapatrolyang pulis sa lugar at naganap umano ng barilan na humantong sa pagkakapatay sa tatlong suspek.

Ayon kay Espina, bukod sa mga gamit ng mga biktima, nakuha rin sa mga suspek ang isang motorsiklo na walang plaka, dalawang baril at isang sumpak. - FRJ, GMA News
Go to comments