Lider ng grupong dumukot sa 2 Tsino sa Mindanao, kinasuhan na
Sinampahan na ng reklamong kidnapping for ransom sa Provincial Prosecutor's Office ang lider ng grupo na dumukot sa dalawang Chinese sa Agusan del Sur noong Setyembre 15.
Nailigtas ng mga pulis sa kalapit probinsiya ng Surigao del Sur noong Setyembre 17 ang dalawang biktima.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senior Inspector Elvis Angay-angay, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Agusan del Sur, na tanging ang lider lamang ng grupo ng mga kidnapper ang simapahan ng reklamo dahil siya lamang umano ang positibong kinilala ng mga biktima sa anim na mga suspek na iprenesinta.
Kinilala ng opisyal ng CIDG ang inakusahan na si Gilbert "Ondo" Perez, umano'y lider ng kilabot na grupo ng ilang mga miyembro ng tribung Manobo sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.
Ang grupo ni Perez ang umanoy dumukot sa mga Chinese na sina Leping Lee, 43, at Li Guang Yang, 48; mga temporaryong residente ng barangay 2, bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.
Kasama ng dalawang Chinese ang kanilang kaibigan na si Jonah Lavinia na dinukot sa loob ng kanilang bahay. Pinakawalan agad si Lavinia noong Setyembre 16.
Napag-alaman na humingi ang mga kidnaper ng P1 milyon ransom money.
Ayon sa mga naunang ulat sa GMA News Online, sinabi sa isang police report na nag-ambagan ang mga Filipinong kaibigan ng dawalang Chinese, at umabot lamang sa P150,000 ang nalikom na pera.
Dinala umano ng mga kaibigan ng mga biktima ang pera sa barangay Wakat, Barobo, kalapit-probinsiya ng Surigao del Sur noong hapon ng Setyembre 17, habang lihim na sumusunod ang ilang pulis.
Nagkasagupa ang mga pulis at mga kidnapper doon, kung saan isa sa mga suspek ang napatay, samantalang sugatan naman sa hita si SPO2 Vicente San Pablo ng Barobo Municipal Police Station.
Na-recover ng mga pulis ang P150,000 at ang kalibre .45 mula sa napatay na suspek.
Dahil sa nangyari, daling-daling inabandona ng mga suspek ang dalawang Chinese sa Lianga, kalapit-bayan ng Barobo. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement