GMA News Online Showbiz » Chika Minute

American Idol finalists, nag-shopping sa Greenhills 

September 22, 2012 8:54pm

Matapos ang matagumpay na concert sa Araneta Coliseum nitong Biyernes, pagsa-shopping naman ang pinagkaabalahan ng ilan sa American Idol finalists bago sila bumalik ng Amerika nitong Sabado.
 
Dinagsa ng mga fans at sold-out concert ng AI finalist at all out ang kanilang performances. Inabangan din ang finale nina AI winner Phillip Phillips at dugong Pinoy na AI runner-up na si Jessica Sanchez.
 
Dahil "it’s more fun" ang mag-shopping sa Pilipinas, sumugod sa Greenhills, San Juan ang ilan sa finalists ng American Idol para mamili.
 
Kitang-kita ang kasiyahan nila sa pamamasyal sa sikat na shopping center sa bansa. Sa loob ng kanilang sasakyan, panay ang sigaw nila ng; “we love our Filipino fans," “you guys are amazing," at walang patid na “thank you!"
 
Maliban kay Jessica, lilipad na pabalik ng US ang mga finalist ng AI ngayong Sabado ng gabi. 
 
Mananatili sa bansa si Jessica hanggang Huwebes para tapusin ang iba pa niyang commitments. – FRJimenez, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement