ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Si Enrile ang dapat magpatawad kay Trillanes, ayon kay Santiago


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagbigay ng mensahe si Senador Miriam Defensor-Santiago kaugnay sa naging bangayan sa Senado noong nakaraang linggo ng beteranong politiko na si Senate President Juan Ponce Enrile at bagitong si Senator Antonio Trillanes IV. "Message to Sen. Enrile: Patawarin na nya yung mas bata," payo ni Santiago kay Enrile na inilagay ng una sa kanyang official Twitter account nitong Martes. Inihayag ito ni Santiago matapos ang pagtatalo nina Enrile at Trillanes sa isyung biyakin ang Camarines Sur, at pakikipagnegosasyon sa China tungkol sa West Philippine Sea. Dahil sa bangayan, umalis si Trillanes sa majority bloc at inakusahan si Enrile ng pag-railroad sa Camarines Sur bill na umano'y pumapabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Bumuwelta naman si Enrile nang ilantad niya ang umano'y kahina-hinalang papel ni Trillanes bilang backdoor negotiator ng Pilipinas sa China. Inilabas din ni Enrile ang umano’y mga tala ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady tungkol sa mga naging pahayag umano ni Trillanes bilang negosyador. Sa kainitan ng talakayan noong nakaraang linggo sa Senado, tinawag ni Enrile na "fraud" at "Phantom of the Opera in Philippine politics" si Trillanes. Nagpatuloy pa ang patutsadahan ng dalawa sa mga naging panayam sa kanila ng media. Sa isang panayam, sinabi ni Enrile na hindi niya nakikitang magkakaayos pa sila ni Trillanes dahil nawala na ang respeto nila sa isa't isa. "I have no respect for him, mutual na ‘yon. According to him, he has no more confidence eh more so sa akin. Di pala kaya nito na maging senador," ani Enrile. "Alam mo hindi plastik hindi ako impokrito, kapag chinallenge mo ako I will take you on. I am not going to reconcile with anybody that I dislike too." -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News