GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Unang Pinay na heneral

January 20, 2007 2:53pm
Inilarawan siya bilang Pinay version ni “Joan of Arc" dahil sa kanyang katapangan. Hindi siya kasing sikat nina Gabriela Silang o Gregoria de Jesus—pero sino itong Katipunera na naitala bilang una at nag-iisang heneral na babae noong panahon ng himagsikan.

Inilarawan si Agueda Kahabagan na babaeng walang kinatatakutan. Nakasuot ng puting damit-- armado ng bolo at riple—nakikita siyang nakikipaglaban sa mga sundalong Espanol at Amerikano noong panahon ng himagsikan.

Nakapailalim noon si Kahabagan sa pamumuno ni General Artemio Ricarte na umatake sa Spanish San Pablo garrison noong Oktubre 1897. Si General Pio del Pilar naman ang nagrekomenda na gawaran ng ranggong heneral si Kahabagan noong Enero 1899.-GMANews.tv
Go to comments