ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Apl.de.ap, nagkaloob ng school buildings sa CDO; Jessica Sanchez, nasa bansa pa rin para sa kanyang endorsements
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dumalaw sa bansa ang award winning hip-hop star na si apl.de.ap upang magkaloob ng school buildings sa mga kabataan sa Cagayan de Oro.
Kasama ang ibang mga pribadong kumpanya at non-government organizations, ang pagpapatayo ng school buildings ang kasalukuyang proyekto na pinagkakaabalahan ng Black Eyed Peas member na may dugong Pinoy.
Wika pa nito, "This is just the beginning of the project. We will be building more classrooms throughout the Philippines."
Maliban dito, ikinatuwa din ng mga opisyal ng Department of Education ang pagtulong ng international singer na nagpapagawa ng school buildings sa iba't-ibang lugar sa Nothern Mindanao kung saan mas kailangan daw ng suporta.
Bukod kay apl.de.ap, nasa bansa pa rin ang American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez para sa kanyang endorsements.
"My best experience was driving around the Philippines. Just looking out the window and seeing like how the Philippines is and it's beautiful here," wika ni Jessica.
Si Jessica ang napiling endorser ng isang kilalang food chain sa bansa at ng clothing brand na Bench.
Dumating ang mang-aawit sa bansa noong Setyembre 18 kasama ang mga kapwa niya AI finalists para sa kanilang World Tour na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kamakailan.
Sa parehong balita, ikinuwento rin ng mang-aawit na abala siya ngayon sa kanyang kauna-unahang album na lalabas ngayong taon.
Aniya, "My album is coming out at the end of the year and I'm working on it now and there's more fresh younger songs." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: apldeap, jessicasanchez
More Videos
Most Popular