ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

LTFRB: Operasyon ng 6 na bus units ng Victory Liner suspinde


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinatawan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board ng preventive suspension ang anim na unit ng mga pampasaherong bus ng Victory Liner, matapos ang malagim na aksidente sa Muñuz Nueva Ecija noong Miyerkules ng madaling araw. Sa ualt ni Allan Gatus sa dzBB, ang suspensiyon ay dahil na rin sa aksidente kung saan siyam ang napaulat na namatay at siyam din ang sugatan. Matatandaang galing norte ang Victory Line bus at papunta sana ito sa Maynila nang pinilit nitong mag-overtake sa isang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok Curva, Barangay Bantog, ngunit sumalpok ito sa kasalubong na oil tanker matapos mahagip ang motorsiklo. Patay kapwa ang drayber ng takner at bus. Kabilang din sa siyam na nasawi ang dalawang lulan ng motorsiklo. Base sa desisyon ng LTFRB, magsisimula ang preventive supension sa sandaling maisumite ng pamunuan ng Victory Liner ang mga plaka ng nasabing bus units. Kabilang sa mga sakop ng preventive suspension sa loob ng 30 araw ay ang may rota ng Cauayan-Isabela-Inso-Sampaloc sa Maynila. Dahil sa preventive suspension, isasailalim sa tinatawag na "road worthiness" ang mga bus ng Victory Liner, na isasagawa naman ng Motor-Vehicles Inspection Service. Isasailalim din sa road safety seminar at magkakaroon din ng compulsory drug testing ang lahat ng driver at mga conductor ng kumpanya. Ipinasusumite ng LTFRB ang lahat ng certtifcate of registration at official receipt (OR) ng lahat ng yunit, kasama na rin ang listahan ng mga driver at mga konduktor ng kumpanya. — LBG, GMA News