ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-uwi ni Lola Soledad sa 'Rescue'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
RESCUE Pag-uwi ni Lola   Airing Date: September 27, 2012
  Pananakit umano ng isang kaanak ang nagtulak sa pitumpu't apat na taong gulang na si Lola Soledad na iwan ang kanyang bayan sa Palo, Leyte noong 1987.  Mula noon, mahigit na dalawampung taon nang naging palaboy si lola sa siyudad.   Umulan man o umaraw,  madalas siyang makita sa sidewalk sa isang subdivision sa Marikina na itinuring na niyang tahanan.  Nabubuhay siya sa mga pagkaing binibigay ng mga taong naaawa sa kaniya.  Isa sa naawa sa kondisyon ni lola ay si Michael Estrada.  Kaya naman nagmagandang loob siya na humanap ng mga sponsor at mangalap ng pondo para tuluyan nang makauwi si lola sa Leyte kung nasaan ang kanyang kapatid para mas maging ligtas at maalagaan si Lola.   Makalipas ang mahigit dalawang dekadang pamamalimos, iuuwi siya sa kaniyang probinsya.  Abangan ang kuwento ni Lola Soledad sa Rescue kasama si Arnold Clavio, ngayong Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi! Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!
Tags: plug, rescue, leyte